Saturday, April 19, 2008

tula-la

sana ay may maisulat akong tula
nang sa pagtitig ko nang buong araw
at paglagutok sa tiklada, masabi man lamang
na may mabuti akong matatanaw

ni hindi ko inaasahang maging kasing ganda
ng mga nababasang anak ng palad
ng mga mahuhusay na makata
at panulat ng manunulang huwad

tatlong lipon ng mapagpalayang wika
sapat na upang makadama ng ligaya;
dalawang minutong pagkindat
mula sa isang masugid na mambabasa

No comments: