gusto kong mag-post ng napaka-walang kwentang entry ngayon. una sa lahat, hindi naman ako preacher o teacher, kaya wala ka talagang matututunan sa mga pinagsususulat ko. 'pag binasa mo 'to, maiintindihan kita... wala ka ring magawa sa buhay mo ngayon ano? marami kang gustong i-post, pero tinatamad ka rin ba kagaya ako? or you just can't put them into words?
gusto ko lang mag-post kasi masarap umepal ngayon. ilang minuto na lang, 2 a.m. na. kung sana lang hindi na ako nag-post ng ganitong kawalang-kwentang post, e di sana naumpisahan ko na yung entry na gusto ko talagang i-post. sana rin hindi ka na nagababasa ng napakawalang-kwentang entry na 'to.
pero bakit binabasa mo pa rin? jologs 'tong ginagawa ko, men. parang yung mga walang kakwena-kwentang comments sa friendster na "hi, maikli lang 'to. kakamustahin lang sana kita, pero busy ka yata kaya naisip ko, hindi na lang, ayoko sanang maka-istorbo, pero sana kahit papaano ay na-appreciate mo yung pangungumusta ko. ano, kumusta ka na? yada, yada, yada" at yung notorious na classic testi na "eto ang pinaka-walang kwentang testi, blah blah, blah." i'm sure binasa mo 'yung mga 'yun, at sa dinami-dami ng pwedeng basahin, isa 'yun sa mga natapos mo. e bakit nga ba? sino bang may sabi na dapat lahat ng post e may kwenta? bawal bang magsulat ng hindi pinag-iisipan? bobo ka na ba once makita ng tao yung side mo na napaka-walang kwenta? and on top of it, dapat bang laging maganda ang i-project mo sa mga tao? ang hirap mag-edit ng sarili. 'wag kang plastik. mas masaya pa rin maging jologs. chillax lang...
kung ang tao nga minsan salita na lang nang salita, wala namang kwenta yung sinasabi eh. may natututunan ka ba sa kanila? yung mga prof mo, minsan, dakdak lang nang dakdak, may naiintindihan ka ba? wala naman diba? baka rin kasi minsan, ayaw mo lang talagang tanggapin ang mga naririnig mo. tunog lang naman 'yang mga 'yan eh. lilipas rin sila. wala pa 'kong alam na pagkahaba-habang salita na lumampas ng three seconds 'pag binigkas. oo na, sige na. supercalifragilisticexpialidocious. walang three seconds diba? ano pa? 'wag kang pilosopo. i'm not talking about compound words. yung mga isahan lang. nosebleed eh.
pero hindi naman lahat ng nakakausap mong walang kwentang magsalita ay senseless. masarap lang talaga minsan kumawala. dapat ba lahat ng stories ay happy or sad ending at may lesson? e paano kung sa gitna pa lang ng kwento e bigla na lng natapos at hindi mo na alam kung ano nang nangyari? nag-brown out kumbaga, o sadyang walang kwenta lang ang plot. bitin diba? kahit sa totoong buhay may ganyan. hindi rin 'yung mga kasing predictable ng mga pelikulang pinoy na naka-template na. iniiba na lang yung love team at yung setting, e pwede mo nang hulaan yung ending. yayaman ang inaapi. masusunog/masasagasaan/mababaril/masasabugan, at eventually, mamamatay na kunwari ang kontrabida, pero hindi pala. buhay pa pala siya. pero magwawagi pa rnang bida. bida 'yun eh! e bakit 'yun may nanonood pa rin? at bakit sa mga ganito ay may nagbabasa pa rin? see?
salamat nga pala ah... :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment