Saturday, August 02, 2008

surfing

matagal-tagal na rin akong hindi nakakadalaw sa yahoo groups ng Bobong Pinoy, the one dedicated for the love of Bob Ong's books. enjoy sa YG na yan. marami kang malalaman kung ano at paano na ang takbo ng utak ng mga tao ngayon. totoo nga naman, hindi lahat ng Pilipino ay tanga; hindi kagaya ng nirereflect ng mga nakaraan, kasalukyan, at mga susunod pang delubyo sa bansa.

hindi ko alam kung anong gumising sa'kin kanina... basta maaga, kahit umaga na rin akong natulog. hindi ko rin alam kung bakit sa tinagal-tagal na nakatiwangwang ng group na yan sa panel ng account ko sa YG, kanina ko lang naisip makiusisang muli sa mga bobong pilosopo.


bobongpinoy · This is where your taxes go!





ewan ko ba kung matatawa ako o ano. para kasing scene lang sa Lilo and Stitch. sabi nga sa peyborit kong series na Pushing Daisies,

Narrator: At that moment, the Pie Maker felt a mixture of happiness and trepidation.
Ned: Why is it always a mixture?

hindi ko rin alam kung ilang mura at barang pa ang matatanggap ni gory-a and the rest of the politicians na nagmamarunong at nagnanakaw at the same time. na-off nga lang ako kasi sa muling pagbisita ko sa bobong pinoy yg, medyo hindi ko nagustuhan yung ilang laman. tapang kasi ng latest post dun: "Walang Kwenta ang Pilipinas." naisip ko lang, wawa naman ang Pinas.. kawawa na nga, kinakawawa pa. sino ba talaga ang may kasalanan? maaaring "walang kwenta sa Pilipinas", pero hindi "walang kwenta ang Pilipinas."

kung kwentahan na rin lang naman ang pag-uusapan, sino ba talaga ang walang kwenta? saan sa tingin nyo napupunta ang tax na lumalatay sa bawat payslip na tatagal lang ng ilang araw ang laman sa bulsa nyo? ano na ang nangyari sa P16 billion na tax windfall mula sa EVAT ng uber mahal na Dubai oil? ano ba talaga ang nangyari sa bigas? natabunan na ba ng tuluyan ang issue sa kuryente? kamusta na ang mga magsasakang halos tumira na sa gilid ng Department of Agriculture? kailan kakanta ng "low low low" ang mga gasoline boy? malilimutan na lang ba ng tao ang balita ni gory-a na P0.50 na lang per text? lalo bang manganganak at mag-aanak ng mga future magnanakaw at makakagawa na ba sila ng sariling tribo at dialect sa bansa? tataas ba sa 1:10 ang hatian sa isang libro? magiging box office hit bang lalo ang lecture ni ma'am sa sobrang kakapusan sa klasrum? pero bakit ang tataba ng congressmen?

ngayon, sino ba talaga ang may kasalanan?

baka naman ikaw. oo, ikaw. ikaw na walang ginawa kundi mag-internet buong magdamag. ikaw na mahilig dumisplay sa gilid ng salamin ng starbucks, suot ang bago pero kahit anong gawin mo ay goma pa rin, gomang havaianas nga lang. ikaw na wala kunong pakialam pero affected din sa paghataw ng pamasahe all the way to P10. sigurado yan. bilang na lang tayo ng ilang araw. o baka naman may car ka. pero kahit anong kaplastikan gawin mo, aminin mo, affected ka rin sa pagtaas ng presyo ng gasolina.

baka rin ako. akong wala ring ginawa kundi mag-internet magdamag. nag-aaral kunyari pero mas gusto pang mag-blog, makiblog at mang-akit mag-blog.

o baka naman tayo. oo, tayo. tayong mga nagbblog, nakikiblog at nang-aakit mag-blog. tayong mga sulat nang sulat at basa nang basa. baka minsan hindi na rin nakakatulong ng mga salita...

ewan ko. may panahon para tumahimik. ang tanging alam ko lang, sabi nga ng ka-blog kong si zkey, "sa panahong kailangang sumigaw, 'wag kang bubulong-bulong..."

No comments: