Saturday, April 26, 2008

para sa malusong na pilipino

nakakatuwa naman talaga sa pilipinas. tama ba namang mutaktakin ni gloria ang mrt stations ng posters about health na may malaking mukha niya sa tagiliran? at ang pinaka-malupit pa ay, "kumain araw-araw ng mga pagkaing niluto sa mantika o edible oil"

ate, salamat sa cholesterol!


well, ito talaga yung Sampung panuntunan sa wastong nutrisyon, proposed by the Department of Science and Technology (DOST) last july:

Upang matugunan ang malaking kakulangan sa enerhiya ng dyetang Pilipino, bumuo ang National Nutrition Council, sa pakikipagtulungan sa 10 pampublikong opisina at tatlong mula sa pribadong sektor, ng panuntunan sa wastong nutrisyon. Kailangan lang na ating “… Alamin, Gawin at Palaganapin.” Eto ay ang mga sumusunod:

1. Kumain ng iba’t-ibang pagkain araw-araw. (kahit ano, basta pagkain. kahit nasa basurahan na, pagkain pa rin 'yon. basta iba-iba. 'pag hindi iba, wag na lang kumain.)

2. Pasusuhin ang mga sanggol mula pagkapanganak hanggang anim na buwan at saka pakainin ng naaayon habang pinasususo. (huwag tatanggalin sa suso ng ina ang nguso ng bata, baka ikamatay niya iyon. mula pagkapanganak daw eh. kung kaya na niyang ngumuya ng kanin, isabay pa rin sa pagsuso. wag makulit. sabi "habang pinapasuso" daw.)

3. Panatiliin ang normal na paglaki ng bata sa pamamamagitan ng tamang pagkain at pagtatala ng kanilang paglaki. (kung hindi lumalaki ang bata, wag nang itala.)

4. Kumain ng isda, karne, manok o butong gulay. (huwag pakakainin ng iba)

5. Kumain ng maraming gulay, prutas at halamang ugat. (marami, hanggang lumobo ang tiyan.)

6. Kumain ng pagkaing niluto sa langis. (kahit langis sa sasakyan, ok lang, basta langis.)

7. Uminom ng gatas at kumain ng tulad na produkto, at mga pagkaing mayaman sa kalsyum. (sori na lang sa mga lactose-intolerant)

8. Gumamit ng asing sinangkapan ng iodine subali’t iwasan ang sobrang maaalat na pagkain. (ano ba talaga?!)

9. Kumain ng malinis at ligtas na pagkain. (may pagkaing hindi ligtas. ingat ka, baka madisgrasya ka.)

10. Para sa isang malusog na pangangatawan at wastong nutrisyon, mag-ehersisyo, huwag manigarilyo, at uminom ng alak. (kuya, mali ang placement ng comma. o sige, inuman na lang!)


source: DOST

1 comment:

Jared Richard Uy said...

oh...nice post! para sa lahat ng pilipinong nais maging malusog at malinis. :)