napakasarap nga namang magpakamatay gamit ang natatanging bagay na napakahalaga sa iyo. yung tipong dahan-dahang lumalagaslas sa katawan mo yung malakas na hataw ng nag-iisang bagay na pinaghihirapan mong maabot - dumudulas, nagpapakipot, sabay sasaksakin ka nang patalikod. hinele mo na nga buhat nang mahawakan mo nang pahapyaw, heto't kinakagat ka pa sa leeg na parang tiyanak.
sulat ka nang sulat; binubuntis mo ang sarili mo nang pilit; nanganganak ka nang nanganganak. buong katawan mo lupaypay. walang natira sa'yo kundi kaunting lakas para tumoma. inakma mo ang lahat ng pwersa para sa isang matinong obra, tapos hindi pa rin pala sapat; at dahil may ibang pumupuna ng mga gawa mo, wala ka nang ibang maibubulong sa sarili mo kundi, "ang pangit ng anak ko!"
minsan mo nang ipinaglaban sa lahat, ipinilit at hindi tinantanan... may lugar pa ba para sa pagsisisi?
kaya sa lahat ng mga nag-aakalang napakadaling maging manunulat at kailangan ay "street-smart" ka lang, well, subukan mong manganak sa pwet nang malaman mo kung gaano kahirap..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment