takte. tama nga naman... kahit cheesy ang Spanish class kanina, in fairness sa mga nagsimula ng kakesohan, trulily din naman kayo dun.
all we do is breathe, wait, and chase. everyday we wait. di ba nakakasawa na ring maghintay? all we do is plan for tomorrow; not sure kung si tomorrow naman ay maamo sa'tin o paghihintayin pa rin tayo nang walang kamatayan.
sabihin mo mang, "I'm complete even before you came. i'm perfectly capable of taking care of myself and self-destruction as well" (mga bagay na natutunan sa lit about existentialism), di mo pa rin masisiguro kung kailan ka aandaran ng pagiging emo/cheesy/tweetums/korni/paksyet - call it whatever you want basta nakakaupos pa rin yung feeling. ni wala kang magawa. isinasabay mo na lang sa hangin ang bulong mo sa mga bagay na hindi mo kilala pero hinihintay mo pa rin, hinahabol; seamless faces of those whom we are trying to grasp...
basta maiisip mo na lang, minsan malungkot rin pala kapag mag-isa...
Tuesday, September 25, 2007
Monday, September 24, 2007
buhay manunulat, manunulot - pagsasamantala sa mga salitang balbal
napakasarap nga namang magpakamatay gamit ang natatanging bagay na napakahalaga sa iyo. yung tipong dahan-dahang lumalagaslas sa katawan mo yung malakas na hataw ng nag-iisang bagay na pinaghihirapan mong maabot - dumudulas, nagpapakipot, sabay sasaksakin ka nang patalikod. hinele mo na nga buhat nang mahawakan mo nang pahapyaw, heto't kinakagat ka pa sa leeg na parang tiyanak.
sulat ka nang sulat; binubuntis mo ang sarili mo nang pilit; nanganganak ka nang nanganganak. buong katawan mo lupaypay. walang natira sa'yo kundi kaunting lakas para tumoma. inakma mo ang lahat ng pwersa para sa isang matinong obra, tapos hindi pa rin pala sapat; at dahil may ibang pumupuna ng mga gawa mo, wala ka nang ibang maibubulong sa sarili mo kundi, "ang pangit ng anak ko!"
minsan mo nang ipinaglaban sa lahat, ipinilit at hindi tinantanan... may lugar pa ba para sa pagsisisi?
kaya sa lahat ng mga nag-aakalang napakadaling maging manunulat at kailangan ay "street-smart" ka lang, well, subukan mong manganak sa pwet nang malaman mo kung gaano kahirap..

Saturday, September 01, 2007
raino
Subscribe to:
Posts (Atom)